Wednesday, August 29, 2012

Linggo ng Wika: Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan

Sa ating modernong panahon, marami sa atin ang unti-unti ng nakalimot sa ating pinanggalingan. Marami sa atin ang hindi na alma kung ano ang ating pinanggalingana at kung ano ang ating mga tradisyon.Karamihan sa ating mga kabataan ngayon ay hindi na pamilyar sa mga tradisyon ng ating bayan.

Marami sa ating mga kabataan ay hindi masyadong bihasa sa ating sariling lengguwahe. Nakalulungkot man isipin ngunit, ang pangyayaring ito ay dulot ng ating sobrang pag asa sa mga dayuhang bansa.

Ilang dekada na ang nakalipas ng ang mga kabataan ay naglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan. Mga larong kagaya ng , "Patintero", "Sipa", "Tumbang Preso", at maraming iba pa. Nakalulungkot isipin na ang mga kabataan ngayon ay mas gusto pa na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan para manuod ng telebisyon at maglaro sa kanilang mga "computer". Bilang mga nakatatanda at nakaranas ng mga larong Pilipino, isa sa ating responsibilidad ay siguruhin na ang kabataan ngayon ay marunong din ng mga laro noon.

Sa aking palagay, isa sa mga paraan upang muling umunlad ang ating bansa ay ang pagpapalaganap muli ng mga larong Pilipino upang hindi ito malimutan ng tuluyan at hinid tayo malunod sa mga impluwensya ng mga dayuhang bayan. At ang muling pagpapanum balik ng pag gamit ng ating sariling lengguwahe sa araw araw nating pamumuhay.


No comments:

Post a Comment